Pumalag pa ang Washington Wizards sa posibleng pagwalis sa series sa Game 4 ng East Round 1. Pinagpag ng Wizards ang Philadelphia 76ers sa iskor na 122-114.
Bumanat ng triple-double si Russell Westbrook sa Wizards. Nagtala siya ng 19 points, 21 boards at 14 assists.
Nag-ambag naman si Bradley Beal ng 27 points, 4 boards at 4 assists. Si Rui Hachimura naman ay kumana ng 20 points at 13 rebounds.
Sa panig naman ng 76ers, gumawa si Tobias Harris ng 21 points, 13 boards at 5 assists.
Sinamantala ng Washington ang malamyang laro ni ni Joel Embiid. Hindi ito gaanong humataw dahil sa right knee soreness.
Sa first half lang din naglaro si Embiid at hindi sa buong regulasyon.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2