December 25, 2024

Washington Wizards, pinilas ang Nets sa back-to-back threes nina Beal at Westbrook

Naghabol man sa buong laro, nasilat ng Washington Wizards ang Brooklyn Net, 149-146. Isa itong maitutuirng na epic win ng Wizards ngayong season.

Dalawang nagkasunod na tres ang ibinuslo ng team sa last two minute ng fourth quarter. Sa huling 14 seconds, pumukol ng 6-0 run ang Wizards.

Unang naka-tres si Bradley Beal dahilan upang makalapit sa Nets. Lamang ng lima ang Brooklyn, 146-141.

Ngunit, naibaba sa 2, 146-144. Isa pang tres ang kinamada ni Westbrook mula sa turnover.

Nakalamang ang Wizards, 147-146. Nagmintis naman ang tira ng Nets sa huling possession mula sa pasa ni Kyrie Irving.

Naiselyuhan ang panalo ng Wizards sa free throw ni Beal, may 0.4 seconds na lang.

Sa kabuuan, 40 points, 8 assists at 10 boards ang inambag ni Westbrook sa Washington.

Si Beal naman ay bumuslo ng 37 points, 5 boards at 4 assists.

Gumawa naman ng 37 points si Kevin Durant para sa Nets. Nag-ambag naman si Joe Harris ng 30 points. Beinte sais puntos naman ang nirekta ni Kyrie Irving.