
Idinagdag ng Washington Wizards sa kamalasan ng Milwaukee Bucks ang isa na namang pagkatalo. Kinatay ng Wizards ang Bucks sa iskor na 101-94. Pinangunahan ni Bradley Beal ang Washington sa pagbira ng 30 points. Kasama na rito ang 8 assists at 5 boards.
Nag-ambag naman si Kyle Kuzma ng 15 points, 10 boards at 5 assists. Habang si Montrez Harrell ay bumanat ng 15 points, 4 boards at 2 blocks.
Sa panig naman ng Bucks, kumana si Giannis Antetokounmpo ng 29 points. Kasama na rito ang 18 boards at 5 assists.
Samantala, sa iba pang laro, ginulat ng Orlando Magic ang Utah Jazzsa iskor na 107-100. Bumida si Cole Anthony sa pagbuslo ng 33 points para sa Magic. Gumawa naman si Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng tig 15 points para sa Jazz.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA