
Natimbog ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted dahil sa kasong murder sa kanyang pinagtataguan sa Navotas City.
Kinilala ang naarestong akusado na si Rudolfo Reyes, 43 at residente ng Martiniko St., Brgy. Longos, Malabon City.
Ayon sa report, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na nakita ang akusado sa Navotas na naging dahilan upang bumuo team ang mga ito.
Isinagawa ng mga operatiba ng WSS ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Reyes sa Pabahay Socialized Housing, Sampaguita St., Brgy. Tanza 2, dakong alas-8 ng umaga.
Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Pedro T. Dabu Jr. ng RTC Branch 286, Navotas City para sa kasong murder
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC