Nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation ang isang wanted person sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) head PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Jolar De Dios, 38 ng No. 71 Vicencio Street, Brgy Niugan, Malabon City.
Ayon kay DSOU investigator PMSg Julius Mabasa, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU na nakita ang akusado sa kanilang lugar na naging dahilan upang agad bumuo ng team ang mga ito.
Sa pangunguna ni PLT Melito Pabon, ikinasa ng mga operatiba ng DSOU ang isang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay De Dios sa kanyang bahay dakong alas-3 ng hapon.
Si De Dios ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Celso Raymundo De Leon Magsino Jr, Presiding Judge ng Third Judicial Region Branch 74, Malabon City para sa kasong paglabag sa Cyber Crime Prevention Act of 2012 (4C of RA 10175).
Dinala ang akusado sa tanggapan ng DSOU para sa dokumentasyon at ikinulong sa NPD Custodial facility habang hinihintay ang pagpapalabas ng order mula sa court of origin. (JUVY LUCERO)
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT