December 26, 2024

WANTED NA SI ARLEEN LEGASTO, PINAGHAHANAP NG MGA AWTORIDAD DAHIL SA KASONG ESTAFA, PAGLABAG SA BP 22!

KASALUKUYAN pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang wanted na si Arleen Legasto, na may dalawang arrest warrant sa Metropolitan Trial Court, Branch 37 at 39 sa Quezon City.

Hindi na umano mahagilap si Legasto sa kanyang tirahan sa Blk. 12, Lot 30, Mendelson St., North Olympus, Quezon City, matapos mahainan ng arrest warrant dahil sa 4 counts ng paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o Anti-Bouncing Check Law at kasong estafa.

Matatandaan noong 2018, naglabas ng dalawang warrant of arrest ang MTC Branch 37 at 39 laban kay Legasto.

Samantala, inirekomenda nina Judge Juvenal Bella ng MTC Branch 39 ang bail na P12,000 habang P18,000 kay Judge Ricardo Pascual ng MTC Branch 37 para kay Legasto.