
KALABOSO ang isang lalaki na wanted kahapon ng umaga sa Manila Police District (MPD) headquarters sa Ermita, Maynila matapos kumuha ng police clearance.
Si Jonald Rey, 39, ng Tondo, Maynila ay sinasabing ‘wanted’ dahil sa paglabag sa City Ordinance 671 sa Mandaluyong City.
Nadakip siya dakong alas-11:55 ng umaga, sa loob ng Crime Research and Analysis Section ng MPD headquarters sa UN Avenue sa Ermita.
Bago ito, iniulat na nakatanggap ng impormasyon ang MPD na si Rey ay isang wanted na may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng Mandaluyong City MTC Branch 97, kaya agad siyang inaresto.
Inirekomenda ni Judge Dolly Rose Bolante-Prado ang P2,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. ARSENIO TAN
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon