BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang wanted na Koreano dahil sa sunod-sunod na kasong kriminal sa pagkakasangkot sa counterfeit currency trading at pagtangay ng 30 million won o nasa US$22,000, makaraang madakip ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa kanyang report kay BI Commissioner Norman Tansingco, kinilala ni BI Border Control and Intelligence Unit (BCIU) head Dennis Alcedo ang naturang pasahero na si Hang Junseok, 26, na naharang sa NAIA terminal 1 bago pa man siya sumakay sa Philippine Airlines flight patungo sa Busan, South Korea.
Nadakip si Jang matapos lumabas ang kanyang pangalan sa derogatory list ng BI, kung saan subject siya ng watchlist order mula sa Bureau gayundin sa red notice na inisyu ng Interpol. Agad pinigilan ang kanyang pagsakay sa eroplano at binitbit sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation proceedings.
Ayon kay BI Interpol acting chief Jaime Bustamante, inaresto si Jang sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Daegu District Court sa South Korea noong Pebrero 28 dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa counterfeit currency trading.
Kabilang sa mga diumano’y pinepeke ni Jang ay mga South Korean bank notes na ginagamit sa destabilization activities sa kanilang bansa. Bago nito, nasintensiyahan na rin si Jang ng anim na beses sa kahalintulad na aktibidad subalit ito ay pinagkalooban ng korte ng parole noong 2023.
At habang naka-parole, ipinagpatuloy diumano ni Jang ang pamemeke ng bank notes gamit ang alyas upang mambiktima ng mga kapwa Koreyano na inaalok niya ng mas mababang presyo kumpara sa orihinal na bank note.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA