SIMULA ngayong araw, kukuha pa ang Department of Interior and Local Government ng karagdagan pang 50,000 contact tracer matapos maging batas ang “Bayanihan to Recover as One Act” o mas kilala bilang Bayanihan 2.
Ayon kay Department Secretary Eduardo Año, ang nasabing karagdagang contact tracer ay magsisilbing “game –changers” sa bansa upang tugunan ang COVID-19 para mahinto na ang hawaan at mapuksa ang nakamamatay na virus.
“The DILG is looking for dedicated and patriotic individuals who want to join the fight against COVID-19. If you want to take an active part in defeating the pandemic, join the DILG Contact Tracing Teams,” aniya.
Sa kasalukuyan ay mayroon tayong 97,400 contract tracer sa bansa at lolobo pa sa mahigit 140,000 kung madaragdagan ito ng 50,000 na contact tracer.
Itatalaga ang 50,000 contact tracer sa iba’t ibang contact tracing team ng mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, ang contact tracing team ay pinagsamang unit ng Municipal/City Health Officers kasama ang mga miyembro ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS), at mga volunteer mula sa Civil Society Organization (CSOs).
“With the additional 50,000 contact tracers, we will now be able to meet the Magalong formula of tracing 37 close contacts of 1 COVID patient up to the 3rd degree,” wika ni Año.
Makapag-uuwi ng P18,784 kada buwan ang mga contact tracer base sa kanilang kontrata.
Kabilang sa kanilang magiging tungkulin ay ang mga sumusunod:
· to conduct interviews, profiling, and perform an initial public health risk assessment of COVID-19 cases and their identified close contacts;
· refer the close contacts to isolation facilities;
· conduct enhanced contact tracing in collaboration with other agencies and private sectors;
· conduct daily monitoring of close and general contacts for at least 14 days and perform such other tasks in relation to the COVID response.
Saad pa ni Año, 19.2% sa mga makukuha nilang contact tracer ay ikakalat sa Metro Manila na siyang hot spot ng COVID-19.
“Mas maraming naitatalang kaso, doon maglalagay ng mas maraming bagong contact tracer. A huge number of these new contact tracers will operate and work in all the regions of the country with NCR having the biggest number,” dagdag pa niya.
Ang mga katangian na hinahanap bilang contact tracer ay kinakailangang may bachelor degree o college level na may kaugnayan sa medical course o criminology course.
Kinakailangang ding may skill sa data gathering at makatutulong sa research at documentation; puwedeng mag-interview ng COVID-19 cases at close contacts upang makakalap ng datos; nagtataglay ng abilidad na mag-advocate ng public health education message, at may kakayahang mag-imbestiga.
“It is crucial that a candidate must be willing to do research and investigation because that is the very essence of the job. Iyon ang hinahanap natin, isang tao na magsasaliksik ng mga posibleng kaso ng COVID sa komunidad,” aniya.
Ang mga aplikante ay kinakailangang magpasa ng letter of intent, Personal Data Sheet, National Bureau of Investigation at drug test result.
Maari nilang ipasa ang kanilang aplikasyon at dokumento sa lahat ng DILG Provincial at City Field Offices sa buong bansa o bisitahin ang kanilang website.
Aniya pa, prayoridad din nila para matanggap na contact tracer ay ang mga contractual personnel na hindi na nakapag-renew sa kanilang trabaho, mga Overseas Filipino Workers, at mga empleyado na kamakailan lang ay natanggal.
More Stories
HAMON NI DUTERTE SA ICC INVESTIGATORS: BILISAN N’YO BAGO AKO MAMATAY
Reward money sa pulis, kinumpirma ni Digong
DUTERTE SASAMPALIN SI TRILLANES SA HARAP NG PUBLIKO (Nagkainitan sa House quad committee probe)