NAMANHIKAN na ang pamilya ni Mikee Morada, para hinging pakasalan ang anak ni Mommy Pinty Gonzaga na si Alex Gonzaga. Walang naging sagabal sa pamamanhikan na ginawa ni Mikee upang pakasalan nito si Alex na balita ngang matagal nang nagmamahalan ang dalawa.
“Masaya si Alex Gonzaga, dahil pinatunayan ni Mikee Morada ang pagmamahal niya kay Alex. Hindi rin basta-basta ang mga pinagdaanan ni Mikee, mapasangayon lang nito ang magulang ni Alex na tunay ang pagmamahal niya. Pinatunayan naman niya ito, dahil nakayanan ni Mikee ang lahat ng mga pagsubok habang nililigawan niya ang dalaga.
“Pumayag naman na ang magulang ni Alex, at excited na si Alex dahil mahal naman niya talaga si Mikee. Bilib nga siya rito dahil nakayanan ni Mikee ang pagiging walwal niya, at talagang hindi niya sinukuan si Alex. Dahil mahal nga niya ang dalaga, pinatunayan niya ito kay Alex at sa mga magulang ng dalagang kanyang nililiyag.” Sa wakas matutupad na rin ang pangarap ni Alex, na magkaroon ng sariling niyang pamilya.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA