December 24, 2024

‘Walang tatangalin sa mga employees ng PSC’— Chairman Ramirez

Iginiit ni PSC chairman Butch Ramirez na mahalaga sa ahensiya ang mga manggagawa nito.

Aniya, walang regular at contractual employees ang tatanggalin sa ilalim ng kanyang liderato. Lalo na’t naging tapat ang mga ito sa ahensiya. Mayroong 250 regular at 250 contractual employees ang PSC.

 “We have to start sana removing people on Aug. 31.But kami sa PSC Board, we have a collective decision that it won’t happen.”

“For as long as I am chairman, I won’t remove employees,” turan ni Ramirez.

Bagama’t nagdaranas man ng problemang financial dahil sa pandemya, hindi hahayaan ng PSC na maging kawawa ang mga employees.

Kaya naman, in-operate nito ang savings at budget upang ipang-alalay sa mga employees.

Gayunman, pati sa mga mamamayan ay nakatutok din sila. Lalo na ang mga pasyente ng COVID-19

 “We cannot just focus on sports. We have to adapt to the environment, look at people in need, because it is important to have that strong bond with the people, your employees, with the agency,” aniya.