WALANG mangyayaring taas-pasahe kapag nagpatuloy na ang operasyon ng mga provincial bus sa Setyembre 30, anunsiyo ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kahapon.
“Wala po tayong fare increase,” ayon kay LTFRB Technical Division head Joel Bolano sa isang online briefing.
“Ito po muna susundin natin, itong provincial fare rates,” dagdag pa niya.
Kasalukuyang ang singil sa ordinaryong provincial bus ay P9 kada unang limang kilometro, at karagdagang P1.55 kada susunod na kilometro.
Habang ang susunod na pamasahe bawat kilometro para sa mga regular na air conditioned na bus ay P1.75, P1.85 sa deluxe, P1.95 sa super deluxe, P2.40 sa mga luxury bus.
Una nang inansiyo ng LTFRB na 12 ruta ang muling bubuksan para sa Region 3 at 4-A, na tatanggap ng 286 na mga bus na lalabas o papasok ng Metro Manila.
Maari ring unti-unting tumaas ang bilang ng mga yunit ng bus sa mga lokalidad sa mga darating pang buwan, dagdag LTFRB chairman Martin Delgra.
“Sinusunod po natin ang calibrated policy ng Department of Transportation, na hindi biglaan ang pagbukas,” aniya. “These are just initial bus routes that will be opened.”
Ipatutupad din ang online bookins at cashless transactions upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Hindi rin papayagan ang pagsakay at pababa ng mga pasahero sa gitna ng mga pinayagang ruta, ayon sa LTFRB.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE