ITINANGGI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon ng reward system sa mga pulis na nakapatay sa mga drug suspect sa madugong war on drugs ng kanyang administrasyon.
Kamakailan lang ay Ibinunyag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office chief Royina Garma sa House Quad Committee ang mga detalye kaugnay sa cash reward system para sa extrajudicial killings (EJK) ng administrasyong duterte.
Sa kanyang affidavit, isinambulat ni Garma ang mahalagang papel nina dating Pangulong Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go sa pangangasiw sa anti-drug operations.
Kinumpirma niya ang pagpupulong ng national task force na naka-patern sa “Davao Model,” kung saan bibigyan ng pabuya ang mga pulis na makakapatay sa drug suspects, pagpopondo sa nakaplanong operasyon at reimbursement para sa operational expenses.
Pinabulaanan ni Duterte ang alegasyon.
“Walang pulis na papasok na ganon. Makukulong sila. Why would they accept that kind of agreement when it will later on bring their downfall. Walang reward ‘yan. Hindi ako nagbibigay ng reward,” wika ni Duterte sa panayam sa programa ng Sonshine Media News International (SMNI).
Hindi rin daw niya ipinag-utos sa pulis na pumatay ng indibidwal na sangkot sa illegal na droga nang walang dahilan.
“Ito talaga ang order ko sa kanila. Hanapin mo at arestuhin ninyo kung saan ninyo. Bring them to me, pero pagka-lumaban at nakita ninyo na ang sarili niyong buhay ay mapalagay sa alanganin, patayin ninyo, kasi ayaw kong makita ang pulis ko ang mamatay kaysa sa kriminal,” saad niya.
Handa rin harapin ni Duterte ang investigation panal na nag-iimbestiga sa umano’y summary killings.
“I would be happy to appear in both upper and the lower house of Congress,” aniya.
“And because there are many person scalled or about to be called, baka may ibang tao pang mag-ano. Kung ito lang naman, it’s all about me, eh ‘di ako na lang. Bakit pa yung ibang tao? ako na mismo ang tawagin nila,” dagdag niya.
More Stories
Tulak, parokyano tiklo sa baril at P90K shabu sa Malabon
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION