DINAMPOT ng Maritime Group ang apat na Tsinong mandaragat nang mamataan silang bumababa sa kanilang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex.
Kinilala ni Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National Capital Region Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na si Huang Yongjie, 42; Dai Shiwen, 56; Yafeng Zhou, 47; at Tan Riyang, 47, pawang ng Guangdong, China.
Ayon kay Col. Villanueva, alas-7:45 ng umaga, nagsasagawa ng foot patrol at police visibility ang team ni Maj. Rommel Sobrido at Capt. Randy Ludovice Pier 2 sa loob ng Complex nang mamataan nila ang apat na dayuhan na bumaba sa kanilang vessel at nang wala silang maipakitang kaukulang papeles ng kanilang pagkakilanlan at pakay ay inaresto sila.
Sinabi ni Villanueva, dinodoble nila ang kanilang monitoring capability sa gitna ng COVID-19 pandemic upang masuri ang bawat indibidwal, Filipino man o dayuhan, na pumapasok sa ating katubigan.
Inisyuhan ng Task Force Disiplina ng ordinance violation receipt ang apat dahil sa kabiguang magpakita ng quarantine pass bago sila ipinasa sa the Philippine Coast Guard.
Nang suriin sa Bureau of Immigration ay nalamang ang apat na Tsino ay halos isang taon na sa kanilang sasakyang pandagat habang hinihintay na ma-renew ang kanilang seafarer’s passport.
Nauna rito, dinakip din ng RMU-NCR ang tatlong mangingisda na sakay ng ‘FBCA Maurene Clarisse’ na si Leonito Estrada Jr., 33; Danilo Bacsal, 47; at Jun de Guzman, 29, pawang mga residente ng Navotas nang mabulagang nangingisda sa restricted area at gumagamit ng ‘active gear’ na ipinagbabawal sa ilalim ng batas.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA