DIMASYADO ang Kilusang Mayo Uno sa paghahain ng kandidatura sa pagkapangulo ni Bongbong Marcos, anak ng yumaong Ferdinand Marcos.
“Hindi kami makakapayag! Isang kabalintunaan ang pakana ni Bongbong Marcos na tumakbo bilang presidente. Napakalaking dagok ito sa demokrasya at kalayaan ng ating bansa. Isang malaking sampal ito sa ating kasaysayan at sa mga biktima ng Martial Law. Saan kumukuha ng kapal ng mukha itong si BBM?” saad ni Jerome Adonis, secretary general ng KMU.
Ayon sa labor group, pinayagan ng kasalukuyang rehimen ang mga Marcos na ibalik ang kanilang kapangyarihan. Sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, nabigyan ang yumaong diktador ng hero’s burial sa Libingan ng mga Bayani.
“Sabwatang Duterte-Marcos talaga! Gustong baguhin ang kasaysayan base sa naratibo ng mga diktador. Gustong burahin ang malagim na kasaysayan ng Martial Law na halos ipinapagpatuloy ni Duterte. Hindi nyo maloloko ang mga manggagawa. Alam na alam namin ang karumaldumal na ginawa ninyo sa hanay namin. Puros pahirap, barat na sahod, mataas na presyo ng langis at bilihin. Inaresto, ikinulong, tinorture at pinaslang niyo ang mga lider-mangagawa! ” dagdag ni Adonis.
Ayon sa KMU, dapat magkaisa ang mga Filipino sa paparating na eleksyon upang talunin ang diktadurya, mamamatay-tao at mga tiwaling opisyal, at dapat ilantad at salungatin ang Duterte-Marcos alliance.
Hamon din ng grupo sa iba pang kandidato na tumindig laban sa Duterte-Marcos.
“We should learn from our history, dictators fall when we stand united.”
“Walang Marcos na dapat maibalik sa Malacañang. Mga pondo ng bayan na kinulimbat ang ibalik niyo! Naninindigan ang mga manggagawa kasama ang malawak na hanay ng masa na hindi kami makakalimot at lalaban tayo sa mga diktador. Dapat magkaisa lahat ng mamamayang binubusabos at pinapatay ng Duterte regime upang hindi na ito magpatuloy pa. Nasa mamamayan ang kapangyarihan para sa ating kinabukasan.” Pagtatapos ni Adonis.
Nanawagan din ang grupo sa lahat ng peace at human rights advocate na magtayo ng national unity para sa ikabubuti ng ating bansa.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY