IPINANGTANGGOL ng Malacañang ang viral video ni Pangulong Rodrugo Duterte sa tangkang panghihipo umano nito sa kanyang kasambahay na may bitbit na cup cake para sa kanyang kaarawan.
“Iyung sinasabing panghihipo, matagal na niyang kasambahay ‘yun eh. Alam mo naman talagang palabiro ang ating Presidente pero wala pong malisya ‘yun dahil nakaharap doon si Maam Honeylet (Avanceña),” paliwanag niya.
“Kung may magrereklamo, dapat ‘yung kasama niya sa bahay. ‘Yun lang po iyon,” dagdag niya.
Kasabay nito, tinawag naman ni Roque na ‘utak talangka’ ang mga taong bumabatikos sa simpleng birthday celebration ni Pangulong Duterte.
“Tingin ko naman utak talangka lang po ‘yan. Birthday naman po ng Presidente, 76th, ang importante hindi po magarbo ang selebrasyon,” giit ni Roque.
Unang nilabas ni Sen. Bong Go ang larawan habang hinihipan ni Pangulong Duterte ang kandila na pinatong sa kanin at may caption na simpleng pananghalian lamang. Pero lumitaw ang viral video kung saan maraming handa sa lamesa, kabilang na ang litsong baboy na wala sa litrato ni Sen. Go.
More Stories
EROPLANO AT MILITARY CHOPPER NAGSALPUKAN SA ERE SA WASHINGTON (Pinoy na pulis kabilang sa mga nasawi)
AKBAYAN: PANAHON NA PARA I-IMPEACH SI VP SARA (Anong petsa na?)
PAGPAPALAYAS SA MGA ILLEGAL POGO WORKERS SA BANSA MINAMADALI NA NG BI