December 24, 2024

WALANG CHRISMAS PARTY SA NAVOTAS AT VALENZUELA

WALA munang magaganap na Christmas Party ang mga empleyado sa City Hall ng Navotas at Valenzuela dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, ayon kina Mayor Toby Tiangco at Mayor Rex Gatchalian.

Sabi nila, hindi magiging rasonable kung makikitang nagpa-party at nagkakasayahan ang mga ito habang batid ng lahat na mas maraming mamamayan ang patuloy na naghihirap at nagtitiis dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

“In Valenzuela, we are cancelling all Christmas parties because these are hard economic times. We know many of us are affected by the pandemic so it would not look good that while most of our fellowmen are suffering, they see their public servants holding parties,” ani Mayor Rex.

Sinabi ni Mayor Rex, maaring makatipid ng P5 million sa kanselasyon ng Christmas party at ito’y magagamit ng lungsod para pantulong sa mga mahihirap na residente at sa programa laban sa COVID-19.

Ayon naman kay Mayor Toby, imposibleng masusunod ang social distancing kung papayagang mag-Christmas party ang mga empleyado at mas madali pa itong pagmulan ng hawaan ng COVID-19.

Sa katunayan at bilang pagpapakita ng tamang ehemplo, wala munang magaganap na Christmas party sa kanyang pamilya at mga kapatid kasama si Congressman John Rey Tiangco.

“Since everything starts in the family and it is where chances of transmission are higher so discipline must start here (family) and this cancellation would also serve as a preventive health measure,” pahayag niya.

Malinaw anila ang kanilang utos lalo sa mga department head na walang lalabag sa kautusang wala munang Christmas party at sa halip istriktong sundin ang mga pinag-uutos ng pamahalaan upang tuluyang maiwasan ang COVID-19.