December 24, 2024

WALA SILANG HIDWAAN – PALASYO (Duterte vs Pacquiao?)


BINATIKOS ni Senator many Pacquiao si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang paninindigan laban sa China kaugnay sa West Philippine Sea, subalit ayon sa Malacañang na walang hidwaan sa pagitan ng dalawang opisyal.



Sa kanyang virtual media briefing, pinasinungalingan ni Presidential spokesperson Harry Roque na mayroong namumuong hidwaan sa pagitan nina Duterte at Pacquiao bago ang May 2022 elections.

Si Pacquiao ang acting president ng PDP-Laban, ang political party ni Duterte. Kilala rin siyang kaalyado ng administrasyon.

“I don’t think there is a falling out,” tugon ni Roque ng tanungin ng mga reporter kaugnay sa namumuong alitan sa dalawang PDP-Laban stalwarts.

Hanggang ngayon po nananatiling napakalaking fan ni Senator Pacquiao ang ating President sa larangan ng palakasan lalo na sa larangan ng boxing,”  aniya.

Inilabas ng Palasyo ang naturang pahayag matapos pahapyawan ng legend-turned-senator si Pangulong Duterte sa mahina nitong pagtindin sa Chinese sa pagsalakay ng mga Chinese sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Pacquaiao sa isang panayam sa online meda na nakukulangan siya sa pagsisikap ng Pangulo para igiit ang soberanya ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.

Naalala rin niya ang pangako ni Pangulong Duterte noong ito’y nangangampanya pa lamang na sasakay ng jet ski papuntang Spratly Islands at iba pang disputed areas upang itayo ang watawat ng Pilipinas doon.

“Sa akin, nakukulangan ako, nakukulangan ako kumpara doon sa bago pa siya tumakbo, nage-eleksyon pa lang. Dapat ipatuloy niya ‘yun para magkaroon din naman tayo ng respeto,” saad ni Pacquiao.

Maging ang mga kritiko ng Pangulo ay nagsalita na rin sa kanyang mahinang paninindigan laban sa patuloy na pananalay ng China sa reefs at shoals na parehong pinag-aagawan ng Pilipinas at China.

Makailang ulit ding sinabi ni Duterte na hindi kakayanin ng Pilipinas na makipag-giyera sa China kahit ayon sa ilang international law, foreign policy at diplomacy experts na hindi mauuwi sa giyera ang arbitral ruling.

Patuloy na inaangkin ng China ang WPS batay sa sinaunang nine-dash line map, subalit ipinanalo ng Pilipinas ang kaso sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) sa Hague noong 2016 at maari gamitin itong pagkapanalo upang manawagan sa higanteng bansa na irespeto ang maritime boundaries.