Masaya si senatorial aspirant Monsour del Rosario sa performance ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa presidential interviews sa GMA 7 na umere noong Enero 22.
Sinabi ni Del Rosario na ipinakita ni Lacson sa mga botanteng Pilipino na handa siyang mamuno kung siya ay manalo.
“Walang binatbat lahat nung kasabay sa interview ni President Ping Lacson. Doon mo makikita kung sino ang handang magtrabaho para sa mga Pilipino,” saad ni Del Rosario.
“Walang paligoy-ligoy at walang kinatakutang tanong. Nag-iisip at ‘di bara-bara o teka-teka ang plano. Kaya di ako nagkamali sa sinamahang Pangulo,” dagdag ng dating Olympian.
Tumatakbo ang dating Makati representative na si Del Rosario sa pagka-senador sa ilalim ng ticket ni Senator Lacson at Senate President Tito Sotto sa 2022 elections.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA