December 26, 2024

WALA NANG BUKAS PARA SA IPPC VS THUNDERZ NA TWICE TO BEAT SA LBP TINGZON CUP CROSSOVER SEMIS

‘WALA nang bukas’ ang magiging sitwasyon ng IPPC Hawks sa pagharap nito kontra Thunders pag-arangkada ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup semifinals bukas( Linggo ng umaga) sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

   Dahilan sa tabla sa kanilang kartada ang IPPC, Thunderz at UST pagkatapos ng elimination round habang solo ang NU sa ituktok,kailangang talunin ng tropa ni Kunifumi Itakura, may-ari ng Itakura Parts Philippines Corp baseball team ang liyamado( winner over the other sa elims)na Thunders na may mataas na base runs  sa quotient ng LBP upang  mahatak ang laban sa rubbermatch sa bisa ng twice to beat advantage.

    ” Mabigat ang ating tatahakin patungong finals pero tiwala tayo sa kakayahan at determinasyon ng ating mga Hawks na makamit ang makasaysayang kampeonato sa LBP Tingzon Cup.

,” wika ni IPPC coach Orlando Binarao.

   ” Sakto andito si boss Itakura para dagdag moral at motibasyon sa ating mga manlalaro..go IPPC Hawks!,”sambit naman ni team official at spokesperson ni Itakura na si Iris Magpantay.

    Twice to beat din ang NU Bulldogs laban sa UST Tigers na magtutunggali bandang hapon sa ligang inorganisa nina LBP Chairman Wopsy Zamora,President Pepe Munoz   at Executive Director Boy Tingzon.

  Ang Tingzon Cup ay ipinangalan parangal kay namayapang  Philippine baseball legendary leader Rodolfo Tingzon, Sr. (DANNY SIMON)