
KINUMPIRMA ni Pasig City Mayor Vico Sotto na wala siyang planong tumakbong presidente sa 2022 national elections.
“Kalokohan lang ‘yun. Dapat mag-focus ako sa trabaho ngayon. First of all, I’m only 32. I don’t entertain those thoughts, whether now or in the future. I should focus on the task at hand saad ni Sotto sa isang panayam sa ANC.
“My focus is really here in Pasig, bahala na sila sa national muna,” dagdag niya.
Ayon sa batang alkalde, na katulad na posisyon pa rin ang tatakbuhan niya sa darating na hahalalan para sa ikalawa niyang termino.
“Hindi pa naman ako nag-announce pero ‘yun naman po siguro ‘yun,” sambit niya.
“Definitely (I want to continue). We’ve made a lot of gains. Sa totoo lang, limited ang nagawa namin, a lot of projects, like pushing for universal health care, a lot of it were delayed because of the pandemic,” pagpapatuloy niya.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN