
NANANATILING walang bahid ang professional boxing career ni Eumir Marcial ng Pilipinas matapos daigin sa puntos ang Amerikanong katunggaling si Steven Pinchardo.
Ang Tokyo Olympics bronze medalist na si Marcial ay nakuhang maipanalo via unanimous decision ang non-title fight at ni hindi nito ininda ang sugat na natamo mula sa aksidenteng headbutt ng kalaban sa ikalawang round pa lang ng six-rounder fight na undercard ng bakbakang Fernando Martinez ng Argentina versus Jerwin Ancajas ng Pilipinas para sa IBF Super Flyweight belt kahapon sa California, USA.
Ang rematch ng kampeong si Martinez kay Ancajas ay halos walang pinag- iba sa kanilang unang bakbakan na isang unanimous decision pabor sa nagdepensang kampeon sa scorecards.
Nakaranas naman ng unang back to back na pagkatalo ang dating Filipinong kampeon sa mundo nang halos kalahating dekada. Bagama’t wagi si Marcial sa kanyang non- title pro-bout, ang pagkabigo ni Ancajas ang nagpakulimlim sa ningning ng Philippine boxing na nananatiling walang world champion hanggang ngayon.
More Stories
Mayor Joel Ruma ng Rizal, Cagayan binaril sa harap ng publiko – patay agad!
PAMBANSANG PARANGAL PARA SA MGA REYNA NG SINING AT KULTURA
Bong Go, sinalubong nang buong giliw ng mga taga-Cainta!”