Hinikayat ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang mga mag-aaral sa Tagumpay Elementary School sa Pola Oriental Mindoro na turuang magbasa ang kanilang mga kaklase na hindi pa marunong magbasa.
Sa kanyang pagbisita, sa naturang eskuwelahan, pinayuhan ng Kalihim ang mga mag-aaral na huwag kantiyawan ang mga kaklase na hindi pa nakapagbabasa.
“Dapat yung mga hindi pa marunong magbasa, huwag nating awayin, huwag nating kantyawan, huwag nating pagtawanan. Dapat yung mga hindi pa marunong magbasa, dapat nating turuan. Kailangan natin tulungan,”sabi ng Bise Presidente.
Pinaliwanag ng Bise Presidente sa mga mag-aaral na dapat ang mga hindi pa marunong magbasa ay huwag awayin, huwag kantyawan, huwag pagtawanan, dapat ang mga hindi pa marunong magbasa ay kailangan aniyang tulungan.
Sa kanyang pakikipag-usap, hinikayat ng Bise Presidente ang batang mag-aaral na panindigan ang kanilang mga pangarap na propesyon, at ituloy ang pangarap sa pamamagitan ng pag-aaral. “Kailangan dapat meron tayong tinitingnan na gusto nating gawin. Lahat ng pagsisikap natin sa loob ng classroom, papunta sya doon sa gusto nating gawin,”payo ng Pangalawang Pangulo sa mga batang mag-aaral.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY