BINALAAN ng local airline companies ang mga biyahero na huwag bumili ng ticket na ibinebenta sa online upang maiwasang mabiktima ng online scammer.
Inaasahan kasi ng mga airline companies na ito na libo-libo pang pasahero ang magpapa-book ng kanilang flights para samantalahin ang ‘summer’ season. Sa katunayan, ayon sa airline companies na nag-o-operate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na mahigit sa 700,000 local at foreign travelers ang nakapag-book na ng kanilang flight mula Marso 1 hanggang Mayo 31 para bumiyahe ngayong taon.
Ayon sa airlines companies, tulad ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia, na hindi valid ang mga ibinebentang ticket sa online tulad ng Facebook, Twitter at Instagram.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO