
MANILA, Philippines – Humarap ngayong Biyernes si Vice President Sara Duterte sa mga piskal ng Department of Justice (DOJ) upang isumite ang kanyang counter-affidavit kaugnay sa kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa umano’y pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
Kasalukuyang nahaharap si Duterte sa reklamong inciting to sedition at grave threats matapos nitong sabihin sa isang live press conference na, kung sakaling siya ay mapapatay, ay may ipina-hire na siyang papatay sa Pangulo, sa Unang Ginang, at sa House Speaker.
“Nag-file lang ang ating Vice President ng kanyang counter-affidavit doon sa complaint na inihain ng NBI,” pahayag ni Atty. Michael Poa na nagsilbing tagapagsalita ni Duterte.
Tumanggi naman si Poa na ilahad ang nilalaman ng kontra-salaysay ni Duterte, iginiit niyang: “we do not want to preempt, out of due respect na rin para ma-appreciate ng walang outside influence ng mga prosecutors.”
“Our VP has always been consistent; she has always said before that she would face the accusations being thrown against her in the proper venue, which she did today. She faced them,” dagdag pa niya.
Samantala, tiniyak ng DOJ sa publiko na dadaan sa tamang proseso ang kaso at paiiralin ang batas kahit sino pa ang nasasangkot.
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade