January 22, 2025

VP SARA, POSIBLENG SUMABIT SA PLUNDER

Sa mga nabunyag na iregularidad sa isinagawang imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Accountability ukol sa paggamit ng P612.5 Million confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education (Deped) ay maaaring maharap sa plunder sina Vice President Sara Duterte at mga tauhan nito, ayon kay Antipolo Rep Romeo Acop.

“Let me remind the public of what is at stake here: it would constitute graft and corruption if public funds are misused or misappropriated or worse, if funds are diverted to personal use or benefit. And given the amount we are talking about here, this is clearly plunder,” paliwanag ni Acop.

Sinabi ni Acop na nakita sa isinagawang imbestigasyon ang kawalan ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo.

“The committee’s investigation revealed that confidential funds allocated to the OVP and DepEd were disbursed in a manner that directly violated Commission on Audit-Department of Budget and Management Joint Circular No. 2015-01. This circular mandates stringent documentation and clear accountability for confidential and intelligence funds. However, the inquiry exposed a system that bypassed these safeguards entirely” pahayag ni Acop.

Ani Acop, ang confidential funds ay winithdraw sa malalaking halaga at inencash kada quarter ng Special Disbursing Officers (SDOs) na ibinigay naman sa mga “security officers.”

Nabatid na si SDO Gina Acosta ay nagencash ng P125 million sa huling quarter ng 2022 at 2023 habang SDO Edward Fajarda ay nag encashed ng P37.5 million kada quarter.

“Malalaking halaga po ang mga ito. Sa OVP pa lang, nakakakuha sila ng P125 million kada quarter simula noong Q4 of 2022 hanggang Q3 of 2023. Sa DepEd naman, P37.5 million per quarter for 3 quarters, or a total of P112.5 million,” ani Acop.

Sa oras na mawithdraw ng mga SDO ang pondo ay ibinigay na ito sa mga security officers ng OVP na wala nang oversight o documentation k,ung paano at saan napunta ang milyong pondo.

Samantala, kinuwestiyon ni Acop ang malakas na paggasta ng confidential funds ni VP Sara, aniya, sa pagiging Mayor ng Davao hanggang sa OVP ay pataas ng pataas ang confidential funds.

“Mula sa Davao City na lumaki nang lumaki noong siya’y mayor, hanggang sa mas malalaking pondo nang mapasakamay niya bilang Vice President at DepEd Secretary,” ani Acop.

Sa laki umano ng P612.5 million ay pasok na ito sa plunder.

“We leave it to the investigative bodies of the government to investigate the crimes committed here.The investigation aims not only to uncover the truth but also to ensure that the government upholds the highest standards of transparency and accountability,” pagtatapos pa ni Acop.