TAHASANG inihayag ng Presidential Security Command (PSC) na naghigpit daw sila ng seguridad kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Araneta-Marcos hinggil sa plano ni Vice President Sara Duterte na ipatumba ang mga ito.
“Acting on the Vice President’s clear and unequivocal statement that she had contracted an assassin to kill the President if an alleged plot against her succeeds, the Executive Secretary has referred this active threat to the Presidential Security Command for immediate proper action,” ayon sa inilabas na statement ng Presidential Communications Office nitong Sabado, Nobyembre 23.
“Any threat to the life of the President must always be taken seriously, more so that this threat has been publicly revealed in clear and certain terms,” dagdag niya.
Matatandaang nitong Sabado, nang diretsahang ibinunyag ni VP Sara ang umano’y pakikipag-usap niya raw sa isang tao na handa niya ring ipapatay ang Pangulo, First Lady at House Speaker kapag nauna raw siyang naipatumba ng mga kaalitan niya sa politika.
“May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kaniya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke,” ani VP Sara sa media.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA