
Nanindigan si Vice President Sara Duterte na hindi siya magbibitiw sa puwesto.
Ito’y sa kabila ng mga pahayag ng mga mambabatas na mag-resign na lang siya kung ‘di umano siya interesadong gampanan ang tungkulin ng isang bise presidente.
“Hindi ako sasagot sa ‘Young Guns’ dahil kailangan ko sumagot sa 32 million na bumoto sa akin. Hindi sa isa o dalawang tao. Hindi ako aalis dito dahil nilagay ako ng mga tao dito believing I will work for the country,” ayon kay Duterte.
Kasunod ito ng hindi pagdalo ni Duterte sa mga pagdinig sa panukalang budget ng Office of the Vice President.
More Stories
HABANG MAY NATITIRANG POGO, MALINAW NA HINDI PA TULUYANG NAWAWASAK ANG KANILANG OPERASYON – GATCHALIAN
LOLO KALABOSO SA BARIL, SHABU SA MALABON
Kilabot na holdaper na nambiktima sa Caloocan, Bulacan at QC, arestado ng NPD