
Dumating na si Vice President Sara Duterte sa The Hague, Netherlands, upang dumalo sa unang pagdinig ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) nitong Marso 14.
Kasama ng Vice President sina dating presidential spokesperson Harry Roque at Senator Robin Padilla bilang pagpapakita ng suporta sa dating Pangulo.
Nakatakda simulan ang paglilitis kay Duterte dakong alas-9:00 ng gabi, oras sa Pilipinas. Nahaharap siya sa kasong crimes against humanity hinggil sa kontrobersiyal na war on drugs ng kanyang administrasyon.
Nagpapasalamat naman si VP Sara sa tagasuport ng kanyang pamilya para sa kanilang panalangin at pakiiisa habang ang kanyang ama ay nanatili sa kustodiya ng ICC Detention Center.
“Wag nating kalimutan na ang problema ng bayan ay hindi ang mga Duterte,” aniya.
More Stories
BALLOT PRINTING POSIBLENG MATAPOS NGAYONG MARSO 15 —COMELEC
Vlogger at trolls na nagpapakalat ng fake news hahabulin ng NBI… ROQUE KAKASUHAN MATAPOS MANAWAGAN NG ‘PEOPLE POWER’
4 todas sa sunog sa Malabon