December 25, 2024

VP SARA BUMISITA SA MGA ESKWELAHAN SA MASBATE MATAPOS ANG NPA ATTACKS

Nagpahayag ng mataas na kumpiyansa kay DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte ang mga guro at mga mag-aaral sa Masbate naapektuhan nang pag-atake ng mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army noong Marso 22 nang dumalaw ang Kalihim sa lalawigan ng Masbate

Pitong eskuwelahan ang binisita  ng Bise Presidente, ang Palani Integrated School sa Balud;  Guindawahan Elementary School sa Pio Corpuz;  Locso-an Elementary School at Arriesgado Sevilleno High School sa Placer; Villa Hermosa Elementary School at  Villa Hermosa National High School sa Cawayan; at ang Masbate Comprehensive National High School sa Masbate City.

Pinangunahan ng Kalihim ang pamamahagi ng mga school supplies at dental kits sa mga estudyante sa pitong public schools kung saan  1,513 students ang tumanggap PagbaBAGo kits.

Sa naturang pagdalaw, ay nakipagdayalogo ang  Kalihim sa mga school heads at mga guro, nakinig sa kanilang mga alalahanin sa sektor ng edukasyon gaya ng pagtatayo ng  school buildings, pagbabawas sa  paper works ng mga titser at pagsasagawa ng  stress debriefing matapos ang sagupaan sa pagitan sa pagitan ng NPA at tropa ng sundalo.

Isa sa mga school head ang nakausap ng Bise Presidente, at ito ay si Jeanina Cababan, ng Guindawahan Elementary School, na nagpasalamat sa pagdalaw ng Bise Presidente.

Nalulugod  aniya sila at nadalaw ng Pangalawang Pangulo na isang pambihirang pagkakataon na sila ay puntahan ng mataas na opisyal ng pamahalaan. Sa huli, tinuran ni Cababan na mataas ang kanilang kumpiyansa na hindi sila bibiguin ng Bise Presidente.