Nirerespeto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang desisyon ni Vice President Sara Duterte na nagsabing ayaw na niyang humawak pa ng anumang pwesto sa gobyerno.
Sa isang ambush interview sa Luna, Apayao kaninang umaga maikli lamang ang naging tugon dito ng Presidente.
Ayon sa Pangulo, okay lang sa kaniya ang bagay na ito kung ito ang posisyon ng bise presidente, sabay alis na.
Sa nauna nang pahayag ng bise presidente ay sinabi nitong wala na siyang plano pang humawak o tumanggap ng anupamang cabinet position.
Matatandaan na isang buwan na ang nakalilipas nang magbitiw sa pwesto bilang kalihim ng dept of education si vice president Duterte na hanggang ngayon ay hindi nito inihayag ang dahilan.
Sa kabilang dako, inihayag naman ni VP Sara na manunuod pa rin siya ng SONA ng Pangulong Marcos at hindi ito uuwi ng probinsiya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY