December 24, 2024

VOTERS REGISTRATION, UMARANGKADA NA

Abala sa pag-fill up ng form ang isang residente ng Maynila sa unang araw ng registration sa Comelec office sa Arroceros, Manila kahapon. (Kuha ni NORMAN ARAGA)

MAAGANG dumating sa mga tanggapan ng Comelec ang mga magpaparehistrong botante sa pagbabalik ng voter registration para sa 2022 elections .

Mayroong ipinapatupad na health at safety protocols gaya ng social distancing sa mga tanggapan at kinukuha rin ang body temperature ng mga magpaparehistro bago pumasok sa mga tanggapan.

Mahigpit din ang implementasyon ng “No face mask at face shield, no entry” policy at pinapayagan lamang ang mga registrants na tanggalin ang mga ito pag kinuhaan na sila ng larawan para sa biometrics data.

Inaabisuhan din ang mga aplikante na i-download ang application form mula sa www.comelec.gov.ph at manually na sagutan ito bago magtungo sa Comelec office.

Gayunman, ang ilan sa mga registrants sa tanggapan ng Comelec sa Arroceros, Maynila ay nagrereklamo dahil sa kawalan ng kaayusan sa sistema.

Mayroong ilang di nakapag pre-register sa Facebook dahil wala silang Facebook account habang may ilang di alam na required ang pre-registration.

Di rin pwedeng pumasok ang mga senior citizens na vulnerable sa COVID-19 alinsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Mababatid na nagsimula ang nationwide voter registration period noong January 20 at magpapatuloy hanggang September 30, 2021 bilang paghahanda para sa May 2022 elections pero sinuspinde ito noong Marso dahil sa pandemic.