PINALAWIG pa ng Commission on Elections o Comelec ang suspensyon ng pagpaparehistro ng mga botante.
Sinabi ni Comelec Executive Director and Spokesman James Jimenez na hanggang sa Agosto 31, 2020 ang suspensyon ng voters registration sa lahat ng Comelec offices sa buong Pilipinas.
Pinaliwanag ni Jimenez na nagpasya ang Comelec na muliby palawigin ang suspensyon ng voters registration ng hanggang dalawang buwan dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Patuloy din aniya ang paghahanda ng Comelec at bumibili ng mga gamit upang maging “COVID-19 ready.”
Plinaplansta na rin aniya ng Comelec ang kanilang mga panuntuna at health safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na sa kanilang mga tanggapan. Noong Marso 9, ang lahat ng Comelec offices sa buong bansa ay inatasan na suspendihin ang voters registration hanggang March 31, bilang pag-iingat sa Covid 19 ngunit pinalawig ng dalawang beses o noong April 30 at ngayong June 30.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA