January 23, 2025

VOTERS REGISTRATION SA TAYTAY, RIZAL SIMULA SA FEB. 15



INANUNSIYO ng Taytay municipal government ang pagpapatuloy ng voters registration para sa mga residente nito sinula Feb. 15 bilang paghahanda sa May 2022 elections.

Sa inilabas na advisory ngayong Sabado, gaganapin ang Commission on Elections (Comelec) voter registration para sa 18-anyos pataas sa ground floor ng Taytay New Municipal Hall Building sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal. Dapat magdala ng valid identification card ang mga magpaparehistro.

Ayon sa Taytay public information na walang transaksyon tuwing Lunes dahil naka-iskedyul ito para sa office disinfection at decontamination ng voter registration machines at peripherals, furniture at equipment, at iba pang madalas na hinahawakan.

Gaganapin ang Comelec registration at iba pang transaksyon simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon tuwing Martes hanggang Sabado.

Kinakailangan ding magsuot ng mga magpaparehistro ng face mask at face shield gayundin ang pagsunod sa physical distancing sa lahat ng oras.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa voter registration, maaring kontakin ng mga residente ang hotline number na 8284-4719.