Dahil sa wala pang laro ng volleyball bunsod ng MECQ dulot ng COVID-19 pandemic, may ilang pinagkaka-abalahan ang ilang volleybelles.
Isa na rito si Ateneo Lady Eagles Katrina Mae Tolentino. Ayon kay Kat, abala siya sa baking. Isa sa kanyang ibinida sa kanyang social media account ang bineyk na ‘zucchini muffin’.
Bukod sa naturang cake, ipinakita rin ng Fil-Am spiker ang iba’t-ibang uri ng muffins na bineyk niya sa Instagram.
Sa ngayon ay nasa Vancouver, Canada ang family ni Kat. Doon muna siya habang hinihintay na bigyan ng go-signal ng otoridad ang mga liga.
Bukod sa Lady Eagles, naglalaro rin si Kat sa Choco Mucho Flying Titans, isang team sa Philippine Volleyball League (PVL).
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT