
Hindi magiging parte ng BanKo Perlas si Dzi Gervacio sa 2021 PVL Open Conference. Sa halip, magpu-full-time ang 29 anyos na volleybelle sa Creamline Beach Volleyball.
Ang Creamline Beach Volleyball ay isang programa na magsisilbing funnel para sa national team sa international competition
“We are so excited about having you on our team,” ayon sa post ng Creamline.
“With your experience, you will be a great addition to Creamline beach volleyball.”
Kabilang din sa naturang program sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons.
Gayunman, malaking kawalan sa Perlas si Gervacio. Naging bahagi siya ng 2019 campaign ng team. Kung saan, nagwagi siya bilang Best Opposite Spiker award noon Reinforced Conference.
Bilang pamalit, nakuha naman kamakailan ng Perlas sina Jho Maraguinot. Pupunan naman nina Nicole Tiamzon at Heather Guio-o ang posisyon.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo