Nagtuwang ang mga iniidolong volleybelles upang tumulong sa mga typhoon victims. Kabilang sa mga ito sina Alyssa Valdez, Bea de Leon at Nicole Tiamzon
Habang hindi pa nakapaglalaro sa kani-kanilang teams at liga, umayuda sila sa naapektuhan ng bagyong Rolly at Ulysses.
Nagsanib-puwersa ang ilang players mula sa iba’t-ibang teams at liga sa ilalim ng Volleyball Community Gives Back. Sa pamamagitan nito, ipinaabot nila ang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Kinuha ang pondo mula sa naipong donation ng mga players at ng VCGB. Ipinadala ang tulong sa Marikina, Albay, Catanduanes, Tuguegarao at Rizal.
More Stories
GSF TANAY RAVEN SIKARAN HANDA NA SA NATIONAL TILT
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76