Isa na marahil sa ‘Prettiest Faces’ sa mundo ng volleyball si Sabina Altynbekova. Parang manika kasi ang mukha nito na mula sa bansang Kazakhstan.
Kilala ito sa galing maglaro ng volleyball. Bukod dito, ang 24-anyos at 6-feet-tall na tinaguriang ‘The Beauty of Kazakhstan’ ay may sarili na ring clothing line o fashion brand na ‘S20’ na nagsimula noong 2017.
Ilan sa mga bansang napaglaruan na ni Sabina ay ang Japan at Dubai. Kung saan, mas lalong lumawak ang fan base nito.
Sa pagdami rin ng mga offers na iniaalok sa kaniya, inihayag niya noon na gusto niyang mag-concentrate sa laro. Maging sikat sa paglalaro ng volleyball at hindi ito ipagpapalit sa pagmomodelo.
Una siyang napansin ng mundo sa Asian Junior Women’s Volleyball Championship sa edad na 17. Mula noon tinagurian na siyang ‘the most eagerly awaited volleyball player.”
More Stories
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt