
Nakatakdang magsampa ng legal na aksyon ang convenience store chain na Alfamart laban sa isang content creator na nakuhanan ng video habang nakahiga sa loob ng kanilang ice freezer.
Sa isang opisyal na pahayag, kinondena ng Alfamart ang tinawag nitong “di-awtorisado at mapanganib na paggamit” ng kanilang store equipment. Kumpirmado ring nagsagawa na sila ng masusing imbestigasyon hinggil sa insidente.
“We are compelled to pursue legal action against those responsible for the improper use of our store equipment,” pahayag ng Alfamart. Dagdag pa ng kumpanya, hindi lang ang orihinal na gumawa ng insidente ang mananagot kundi pati na rin ang sinumang manggagaya o gagawa ng kahalintulad na stunt, bilang bahagi ng kanilang hakbang para protektahan ang kanilang brand at reputasyon.
Bilang tugon, agad umanong inalis ng Alfamart ang lahat ng naapektuhang produkto ng yelo, nilinis at dinisinfect ang freezer, at pinalitan ang buong imbentaryo.
Patuloy umano nilang isinusulong ang pinakamataas na pamantayan ng kalinisan at kaligtasan sa kanilang mga tindahan.
“We took swift action to ensure the safety of our customers,” dagdag pa ng kumpanya. Ang insidente ay bahagi ng lumalalang trend ng social media stunts sa mga retail at food establishments, na nagdudulot ng pangamba ukol sa kaligtasan ng publiko at seguridad ng mga tindahan.
More Stories
26 OFW sa Israel naghahanda nang bumalik sa ‘Pinas
Mindoro Tamaraws, Nagwagi Laban sa Muntinlupa Cagers; Rizal Tinalo ang Imus
IRAN BINOMBA NG US (Pinas nanawagan ng diplomasya sa gitna ng tumitinding tensiyon sa Middle East)