Pinalawig pa ng Taiwan ang visa-free entry sa mga Filipino simula Agosto 1, 2023 hanggang Hulyo 31, 2024 bilang bahagi ng pagsisikap nito na palakasin ang bilateral exchanges at manghikayat ng mas maraming mga turista.
Sa isang pahayag nitong Biyernes, Hunyo 30, inanunsyo ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Taiwan ang naturang pagpapalawing matapos umanong suriin ang pagiging epektibo ng panukala.
“After evaluating the effectiveness of the above convenience measures over the past years and considering the need to revive mutual bilateral exchanges and tourism in the post pandemic era, participating agencies decided to extend the trial visa-free entry measure for one year for nationals of Thailand, Brunei, and the Philippines from August 1, 2023, to July 31, 2024,” mababasa sa anunsiyo.
“The Project for Simplifying Visa Regulations for High-end Group Tourists from Southeast Asian Countries will continue for a further year through December 31, 2024,” dagdag nito.
Ayon pa sa MOFA ng Taiwan, magpapatuloy sila sa pagrepaso ng mga visa policy para palakasin ang mga bilateral exchange at makaakit ng mas maraming bisita habang tinitiyak ang pampublikong seguridad.
Patuloy din umano silang makikipag-ugnayan sa mga pamahalaan ng mga kaugnay na bansa upang mapahusay ang visa treatment para sa mga mamamayan ng Taiwan at gawing mas maginhawa ang kanilang paglalakbay sa ibang bansa.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?