December 24, 2024

VISA CANCELLATION NG 48,782 POGO WORKERS, SINIMULAN NA NG BI

SISIMULAN nang kanselahin ng Bureau of Immigration (BI) ang 48,782 alien visas ng Chinese nationals na binigyan ng 59 na araw para kusang umalis ng Pilipinas sa halip na ipa-deport sila kaagad.

Sila ‘yung mga Chinese national na dating nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na kinansela ang lisensiya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sa press statement na inilabas ngayong Linggo ng hapon, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na kasalukuyang bini-verify ng BI kung narito pa sa Pilipinas o nakaalis na ng bansa ang nasabing mga Chinese nationals.

“It was determined by the Bureau of Immigration, through Commissioner Norman Tansingco, that a more cost efficient and humanitarian approach would be to cancel the visas of the above-mentioned Chinese Nationals,” ayon sa DOJ.

“Instead of deporting them, the cancellation of alien visas would simply allow the Chinese Nationals to voluntarily exit the country within a non-extendible period of 59 days,” saad pa nito. “It is only after the Chinese Nationals refuse to leave the country within the allowable period that summary deportation will be resorted to,” giit ng DOJ.

Tiniyak din nito na nakikipagtulungan na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang successful at smooth operation.

Ayon sa DOJ, nasa kustodiya na nito ang 372 Chinese nationals na nakatakdang ipa-deport matapos maaresto ng law enforcement authorities.

Ipinunto pa nito ang kahalagahan ng pagpapa-deport sa mga Chinese national na ito sa kabila ng posibleng epekto sa ekonomiya at dahil sa dumadaming napapaulat na kaso ng murder, kidnapping at iba pang criminal activities na kanilang kinakasangkutan.