Disyembre na mga Cabalen, ilang tulog na lang Pasko na. Nawa’y maging maayos ang ating kalagayan.
Batid natin na magiging payak at hindi gaanong okay ang magiging Pasko natin. Marami kasi tayong kinaharap na mga pagsubok.
Hindi na natin iisa-isahin dahil kulang ang espasyo sa pitak na ito. Gayunman, hindi tayo pababayaan ng Diyos.
Sanay tayong mga Pilipino sa pagtitiis. Kahit ano lang meron sa atin, masaya na tayo. Ang mahalaga, sama-sama ang bawat pamilya sa Pasko.
Malaki ang naging papel ng COVID-19 pandemic sa ating pamumuhay. Para tayong nalumpo. Para tayong nabuhay noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Gayunman, unti-unti naman nating nararamdaman ang pagbabalik sa normal. New normal nga lang.
Dahil sa pandemya, sinubok ang ating pagiging matatag. Tinuruan tayong maging disiplinado. Sa ngayon, batay sa pag-aaral, lumalabas na mabisa ang Virgin Coconut Oil sa pagsugpo sa virus.
Hindi na tayo magtataka, dahil napakalinis nito. Isa itong alternatibong lunas para sa vaccine. Lalo na;’t nagbabala ang WHO sa posibilidad ng 4rth wave.
Ang tanong, magmamahal kaya ang presyo ng VCO sa merkado? Tiyak na magkakaubusan na naman. Abangan natin mga Cabalen.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino