January 23, 2025

Viral video ng 2020 Olympics fireworks display sa Mount Fuji, Fake News pala

Naudlot man ang 2020 Tokyo Olympics ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic, kumalat sa internet ang isang video ng olympic fireworks display.

NagviraI ito sa social media, kung saan sinagawa sa ilalim ng Mount Fuji ang fireworks. Ayon sa post ng isang netizen na si Zhihong Yang, pinagana ang fireworks dahil hindi ito pwedeng nakatengga lang hanggang 2021.

Nagkaroon ng 38,000 shares at 53,000 reactions ang viral video ni Yang sapol nang i-upload ito noong Agosto 13, 2020.

Kung hindi raw sana sa Coronavirus, naikasa na sana ang opisyal na pagsisimula ng Olympics ngayong buwan.

Kaya sa ilalim nila ng Mount Fuji isinagawa ang fireworks display ay upang maiwasan ang pagdagsa ng tao. Palihim lang nila itong ginawa.

Gayunman, napakaganda pa rin ng resulta o visual effect ng fireworks. Habang pumapainlanlang ito sa ere, may background music ito na ‘Retreat March’. Ang musika ay gawa ng klasikong kompositor na si John Williams.

Subalit, batay sa pagsisiyasat, nabatid na fake ang nasabing balita. Napag-alaman na ang video ay kuha noong December 1, 2015. Kung saan isinagawa sa Mount Fuji ang synchronized fireworks display.