KINANSELA ng Department of Transportation (DOTr) ang permit to operate ng isang taxi company sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa umano’y grabeng singil sa mga pasahero.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, kinilala na ang taxi driver sa viral video na nanghihingi ng bayad sa Taiwanese na P10,000 kada isang pasahero para sa maikling biyahe sa NAIA.
“Nakita na namin kung sino ‘yung taxi driver, kasi marami na tayong CCTV sa airport, and na-identify na natin kung sino ‘yung operator,” ani Bautista.
“Kinilala namin ang operator at kinasela na rin ang kanilang prangkisa (para makapag-operate) sa paliparan,” dagdag pa niya.
Pinaghahanap na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang taxi driver.
Gayunman, naniniwala si Bautista na nasa probinsiya na ang taxi driver matapos mag-viral ang kanyang ginawa.
Sa video ay sinisingil ng driver ang dayuhan ng P10,000 kada isa at inilock pa ang pinto hanggat hindi sila nagbabayad. Naniniwala si Bautista na mahuhuli rin ang driver at mananagot sa ginawa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA