ITINALAGA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bagong commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom) si Maj. Gen Corleto Vinluan.
Pinanguhan ni Lt. Gen. Gilbert Gapay, chief-of-staff ng AFP, ang change of command ceremony sa Camp Don Basilio Navarro, kung saan hinirang si Vinluan bilang ika-12 commander ng WestMinCom.
Papalitan ni Viluan si Lt. Gen. Cirilito Sobejan, na pinamuan ng WestMinCom simula Hunyo 28,2019, at kasalukuyang namumuno bilang Philippine Army.
Si Vinluan ang nanguna sa pagkakatimbog sa ilang miyembro ng Abu Sayyaf at dayuhang terorista sa Sulu, batay kay AFP spokesman Major General Edgard Arevalo.
Samantala, si Brigadier General William Gonzales naman ang uupo bilang bagong JTF Sulu chief.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA