January 23, 2025

Villar tumanggap ng donasyon mula sa Chinese youth organization

Tumanggap si Senadora Cynthia A. Villar mula sa isang Chinese youth organization ng mga donasyon para sa kanyang relief effort sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Nagbigay ang Philippine Fujian General Youth Association, Inc. na pinangungunahan ni President James Go, ng 4,000 bowl ng instant noodles.

Ipapamahagi ni Villar ang donasyong ito sa   local government units (LGUs), frontliners at mga tao sa komunidad bilang suporta sa paglaban ng pamahalaan sa bagong coronavirus.

Pinasalamatan ng senadora, nangunguna sa pagtataguyod ng Villar SIPAG na tumulong na maibsan ang paghihirap ng mga apektado ng pandemya, ang grupo sa kanilang suporta.

Tumutulong si Villar at ang kanyang pamilya sa paglaban ng pamahalaan sa bagong coronavirus. Nakapag-donate na sila ng mga hospital equipment, portable handwashing station, PPE, face mask at face shield.

Kamakailan lamang ay nagbigay ng pamilya Villar ng mga equipment sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center (LPGH & STC) para higit na palakasin ang pagtugon sa kalasalukuyang pandemya.

Bukod diyan, nag-donate din sila ng laboratory freezer, biological refrigerator, autoclave sterilizer, passbox at ventilator. May sariling Covid-19 testing facility ang naturang ospital.

Tatlong gusali rin ang pinatayo pamilya Villar na kanilang ibibigay sa ospital para sa extension ng pasilibidad nito, temporary housing para sa mga healthcare worker at quarantine facility.

Ang mga ito ay ang Las Piñas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) at Provincial Board Members’ League (PBML) na pawang matatagpuan sa Barangay Ilaya, Las Pinas City.