HINILING kahapon ni Senate Committee on Agriculture and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar sa publiko at lahat ng mga kinalamang ahensiya ng pamahalaan na patuloy na suportahan ang local seed industry dahil ito ang pundasyon ng produktibong agrikultura.
“Continuous production and development of seeds is necessary because the availability of quality seeds are the key to successful farming,” ani Villar sa 5th National Seed Summit sa Great Eastern Hotel / Aberdeen Court Exterior sa Quezon City.
“In return, quality seeds results to increased production and income for the farmers,” dagdag pa ni Villar sa summit na itinaguyod ng Bureau of Plant Industry – National Seed Industry Council (BPI- NSIC) na may paksang, “Sustaining the Gains of the Seed Industry towards Productivity and Food Security”.
Layunin ng summit na pagsama-samahin ang stakeholders sa seed sector gaya ng mga magsasaka, seed growers, seed dealers at technical experts upang talakayin ang mga isyung kinahaharap ng seed industry.
Sa kanyang pananalita, binanggit ni Villar ang UN – Food and Agriculture Organization na nagsabing isa sa mga haligi ng agricultural development at food security ang seed system.
“They make an important contribution to ensure and support food security and nutrition. Good seeds play an important role in maintaining the resistance to pests, diseases and climate change,” ayon pa sa senador.
Aniya, ito ang rason kung bakit isinulong niya sa 2023 national budget deliberation ang karagdagang P100 million budget para sa Bureau of Plant Industry (BPI).
Gagamitin ang karagdagang pondo sa development ng limang BPI Centers na nasa Baguio at Los Baños, Laguna sa Luzon; La Granja, Negros Occidental at Guimaras sa Visayas at Davao sa Mindanao.
Bunga nito, makagagawa sila ng dekalidad na binhi ng gulay at prutas at matuturuan ang seed growers na isulong ito sa iba pang magsasaka.
Binanggit din niya ang RA7308 o ang batas na nagsusulong at nagpapaunlad sa seed industry at magbubuo sa National Seed Industry Council
Ang UP Los Banos naman ang mangunguna sa plant biotechnology activities.Ang Philippine Rice Research Institute (PHILRICE) ang magde-develop ng rice variety na naaayon sa kondisyon sa Pilipinas.
Gagawa naman ng ang Board of Investment (BOI) ng polisiya sa development ng seed industry. Kailangan din sa adhikaing ito ang kooperasyon ng pribadong sektor at samahan ng mga magsasaka.
More Stories
PH, US LUMAGDA SA INTEL SHARING AGREEMENT
Agila ng Bayan, Pinagkakatiwalaang Pahayagan ng mga Mag-aaral
Halos P.2M shabu, nasamsam sa 4 drug suspects