March 31, 2025

Villar Sinimulan ang Kanyang Congressional Bid sa Pamamagitan ng Misa

Sinimulan ni Senator Cynthia Villar ang kampanya ngayong araw (Marso 28) kasama ang kanyang mga kandidato sa lokal na koponan sa pamamagitan ng pagdalo sa Misa sa San Ezequiel Moreno Church sa Las Piñas City.

Tumatakbo bilang Kongresista, sinabi ni Villar na ang kanyang kampanya ay nakatuon sa mga prinsipyo at adbokasiya.

Bilang isang full-term na senador, nakilala si Villar para sa kanyang serbisyo publiko. Nangako siyang ipagpapatuloy ang kanyang adbokasiya para sa agrikultura at kalikasan, pati na rin ang pagsuporta sa kanyang mga nasasakupan sa pamamagitan ng mga proyekto sa kabuhayan, pag-unlad ng imprastruktura, pabahay, at pangangalaga sa kalikasan—lalo na sa pagtugon sa isyu ng pagbaha.

“I must continue the local projects I initiated when I first became congresswoman of Las Piñas and later as Senator, and introduce more programs to support my fellow Las Piñeros,” sabi ni Villar.

Binigyang-diin din niya na ang serbisyo publiko ay isang responsibilidad, hindi isang pribilehiyo.

“We need local leaders who prioritize the welfare of our communities,” dagdag pa niya.

Ang congressional bid ni Villar ay isang paraan upang parangalan ang pamana ng kanyang ama, na nag-alay ng maraming taon ng serbisyo sa lungsod. (DANNY BACOLOD)