December 25, 2024

Villar sa DA: Isama ang training component sa ‘Plant, Plant, Plant’ program

HINILING ni Senadora Cynthia Villar sa Department of Agriculture (DA) na tiyaking magkakaroon ng training component para matiyak na magiging matagumpay ang ‘Plant, Plant, Plant’ program ng gobyerno.

Isinusulong ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food ang home gardening at urban agriculture bilang food security strategy para matiyak na may pagkukunan ng pagkain ang tao sa panahon ng kalamidad o health emergency tulad ng COVID-19 pandemic.

“For this program to be effective, we cannot just distribute seeds and let the people plant on their own. We should also have a program that will teach them the know-how of planting,” sabi ni Villar.

“The strategy is to let people see that growing food is a joyful undertaking by helping them make their planting projects thrive,” dagdag pa nito.

Ayon kay Villar, dapat gamitin ng DA ang mahigit 20,000 farm schools sa bansa para sanayin ang mga tao sa tamang paraan ng pagtatanim.

Sabi nito, ang training program tulad ng Agri-crops production, na ginagawa ng Villar SIPAG Farm School tatlong beses kada taon sa pakikipagtulungan ng East West Seeds Foundation, ay makakatulong para magkaroon ng panimulang kaalaman ang mga tao sa pagtatanim ng gulay.

Bago ang pandemya, mahigit 200 katao ang nakilahok sa program. Ang mga sumali ay mga estudyante, senior citizen, young professionals, miyembro ng religious at civic grpups, community leaders at maraming pang iba.

Ang mga lumahok ay sumailalim sa libreng pagsasanay sa pagtatanim sa loob ng tatlong buwan na may 12 sesyon at nagkaroon din ng graduation o pagtatapos at harvest activity o pag-aani.

Dahil sa pandemya, nilimitahan ngayon sa 20 ang mga sumali at hindi isinama sa programa ang mga kabataan, mga may edad na at iyong may mga isyu sa kanilang kalusugan. 

“We can also do online training in order to cover more ground. We also encourage our agri-crops graduates to start giving online tutorials to family and friends on the basic instructions on home gardening,” sabi ni Villar.

Sa training program sa urban agriculture, ayon kay Villar, tuturuan din ang mga tao ng pagtatanim sa maliliit na espasyo o container at kung papaano sisimulan ang vertical garden.

Sa State of the Nation Address noong nagdaang Lunes, binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P66 bilyong stimulus package na magpopondo sa the Plant, Plant, Plant program. Layunin ng proyekto na magbigay ng sapat at murang pagkain sa bawat Filipino.

Ayon sa DA, ang iba pang mga proyekto na popondohan sa ilalim ng ‘Plant, Plant, Plant’ program ay ang mga sumusunod:

• Additional palay procurement fund of the National Food Authority;

• Expanded SURE Aid and recovery project;

• Expanded agriculture insurance project;

• Social amelioration for farmers and farm workers;

• Upscaling of KADIWA ni Ani at Kita direct marketing program;

• Integrated livestock and corn resiliency project;

• Expanded small ruminants and poultry project;

• Coconut-based diversification project;

• Fisheries resiliency project;

• Revitalized urban agriculture and gulayan project;

• Corn for food project; and

• Strategic communications project.