December 25, 2024

Villar: Riverdrive Project makakatulong para mapigilan ang pagbaha, solusyon problema sa trapiko sa Las Pinas

Kumpiyansa si Senador Cynthia Villar na mapipigilan ang pagbaha at mareresolba ang problema sa trapiko sa Las Piñas City kapag natapos na ang Las Piñas Zapote River Drive project.

Sa kasalukuyan, 24 kilometro na ang nakumpleto nitong nakalipas na siyam na taon sapul nang simulan ito noong 2012 hanggang 2020. Limang kilometro pa ang itatayo sa susunod na dalawang taon (2021-2022).

“The project is being completed in phases and we have seen the improvements so far in terms of flood prevention and traffic flow in the river drive areas. So, we will continue to extend the coverage of the project to 29 kilometers in next two year (2021-2022) sabi ni Villar, proponent ng naturang proyekto.

Para sa susunod na dalawang taon, itatayo ang Molino Riverdrive phase na may kabuuhang limang kilometro, mula Daanghari road patungo sa llog sa kahabaan ng Banrangay Molino III at Molino IV hanggang kumonekta na sa Zapote River.

Ang unang bahagi ng Riverdrive Project na 18-km Zapote Riverdrive sa kahabaan ng Zapote River ay naglalayong mapigilan ang pagbaha sa lungsod at resolbahin ang masikip na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Zapote-Alabang Road na siyang magsisilbing alternate road.

Ang Riverdrive Project ay nagsimula sa dulo ng C-5 Extension Raod sa Barangay Pulanglupa I patungo sa Alido Bridge at itutuloy sa underpass sa Zapote Bridge sa Barangay Zapote hasnggang sa Barangay Pamplona 1, Pamplona II, Talon II, Moonwalk, Talon I, Almanza III at lulusot sa Daang Hari Road hanggang sa MCX Expressway.

Ang pangalawang bahagi ay ang 6-km Las Piñas Riverdrive na magsisimula sa C-5 Extension Road sa Barangay Pulanglupa I patungo sa Barangay Pulanglupa III, Pamplona III hanggang sa CAA Road.

Sa 2021-2022 itatayo din ang 5-km Molino Riverdrive mula Daanghari hanggang Barangay Molino II at Molino VI sa Bacoor Cavite patungo sa Manila Bay area.

Ayon kay Villar, hindi makakatulong sa para mabawasan ang pagbaha at makakabawas sa pagsisikip ng trapiko ang nasabing mga proyekto kundi para panatilihin din malinis ang mga ilog na dadaan nito.

“With the river drive, we also closely maintain the cleanliness of the river, which can be considered as the ‘artery’ of the city and nearby areas too. The people living along the river cannot throw their wastes anymore into the rivers because there is a road and the houses are fenced,” ani Villar.

Taong 2001 pa tinututukan ni Villa rang paglinis, maintenance at rehabilitasyon ng Las Piñas Zapote River na naging tambakan ng basura kaya’t hindi makadaloy ng husto ang tubig na nagreresulta na matinding pagbaha sa lungsod.

Naglagay din siya ng mga livelihood project kung saan ginagamit ang mga basura tulad ng water hyacinth, coconut hust at plastic bilang raw material.

Ang kanyang Sagip-Ilog project ay nanalo na sa United Nation bilang “Best Practices Award” noong 2011. Kinilala ang proyekto dahil sa kanilang proteksiyon sa water resource at pagbibigay ng kabuhay sa mga Filipino.